Saturday, August 25, 2012

PANAYGON ---- Awiting Pamasko Mula sa mga Bata

HAVE FUN DURING CHRISTMAS SEASON.....
Ito ang karaniwan nating makikita dito sa Pilipinas tuwing sasapit ang panahon ng pasko. At dito rin makikita at mararanasan ang tunay na diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat Filipino. Ang pasko ang isang napakagandang okasyon na kung saan maipakita at maipadama sa ating kapwa ang kapatawaran. Ito marahil ang dahilan kung bakit dumadagsa dito sa ating bansa ang mga dayuhan tuwing sasapit ang pasko.

Isang halimbawa nito ay ang mga batang ito, na sumikat na rin sa YOUTUBE dahil sa kanilang angking galing at talino sa pagkanta at pagbibgay saya sa kapwa nila. Umiikot at kumakanta sa bawat bahay para lamang sa muli ay sariwain ang kahalagahan ng pasko sa pamamagitan ng pagbibgay ng maliit na pera bilang bayad sa kanilang pagkanta ng mga pamaskong awitin.

Kaya nga it's more fun in the Philippines lalong-lalo na kung kayo'y naparito tuwing sasapit ang pasko. 




No comments:

Post a Comment