Tuesday, December 18, 2012

Ito nga ba ang alamat kung bakit nag-sisinungaling ang mga lalaki...




Karpintero itong si Pablo at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog. Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya,

ANGEL: "Tutulungan kita, Jojo"

Sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer.

ANGEL: Ito ba ang martilyo mo??
PABLO: Hindi po.

Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,

ANGEL:  Ito ba???
PABLO:  Hindi po".

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer….

ANGEL:  Ito ba????
PABLO: Opo…
ANGEL: Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammer.

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa tabi ng ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Pablo. Litaw si guardian angel…

ANGEL:  Tutulungan kita.

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Angel Locsin…
  
ANGEL: Ito ba ang misis mo???
PABLO: Opo.

Nagalit si anghel…..

ANGEL: Sinungaling ka. Akala ko pa naman mabait ka!!!!
PABLO: Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Kim Chiu. At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Angel at Kim. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Opo' na lang ang sinagot ko nung una".


Moral of the story:  Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason.

No comments:

Post a Comment