Karpintero itong si
Pablo at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa tabi ng ilog. Sa
lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog. Umiyak siya at lumitaw
yung guardian angel niya,
ANGEL: "Tutulungan kita, Jojo"
Sabay
lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer.
ANGEL:
Ito ba ang martilyo
mo??
PABLO:
Hindi po.
Lundag
uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,
ANGEL: Ito
ba???
PABLO:
Hindi po".
Lundag uli sa ilog ang
anghel at lumitaw na me ordinary hammer….
ANGEL: Ito
ba????
PABLO: Opo…
ANGEL:
Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa
'yo na rin ang gold
and silver hammer.
Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa tabi ng
ilog at kasama ang misis
niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Pablo. Litaw si guardian angel…
ANGEL: Tutulungan
kita.
Sabay lundag sa ilog at
ng lumitaw eh kasama si Angel
Locsin…
ANGEL: Ito ba ang misis mo???
PABLO:
Opo.
Nagalit
si anghel…..
ANGEL: Sinungaling
ka. Akala ko pa naman mabait ka!!!!
PABLO: Sorry po,
angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa
tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Kim Chiu. At
pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh
lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At
dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Angel at Kim. Mahirap lang po ako at hindi
ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Opo'
na lang ang sinagot
ko nung una".
Moral of the story: Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga
lalaki eh for
a good and noble reason.