Friday, October 12, 2012

Panaginip....



Magkatabi natutulog ang mag-ama ng nanaginip ang bata at nagsalita:... 

BATA: Paalam LOLO..!
 

Kinabukasan pumanaw ang lolo ng bata
 

DADDY: Totoo panaginip ng anak ko,
 

Maka-ilang buwan. Habang natutulog ang bata.
 

BATA: Paalam Lola.!
 

At kinabukasan pumanaw ang Lola ng bata..
 

DADDY: Nagkaka-totoo panaginip ng anak ko.
 

Mkalipas ang isang linggo.. Nanaginip uli ang bata.
 

BATA: Paalam DADDY!!!
 

Natakot ang ama kya pagpasok sa trabaho ay hindi umuwi ng bahay kase mas safe sa trabaho niya, my guards at ayaw niyang magdrive o magbiyahe. Kinabukasan pag-uwi niya ng bahay... Sinalubong siya ng asawa nya at umiiyak.
 

DADDY: Oh bakit ka umiiyak??? Buhay pa ako!!!
WIFE: Huhuhu Honey naaksidente ang DRIVER natin.. Patay na siya!!! Huhuhu
DADDY: GRrr...GRrr...

No comments:

Post a Comment